Grenade explosion sa Parañaque

MANILA, Philippines - Isang granada ang sumabog matapos itong ihagis ng hindi pa nakikilalang suspek sa garahe ng isang bahay dahilan upang mawasak ang dalawang sasakyang nakaparada at ang mga bintanang salamin dito, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Ayon sa report na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, alas-5:45 ng hapon nang ihagis ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang granada sa garahe ng bahay na tinitirhan ni Michelle Ramirez, 29, ng Midwest Phase 3, BF Homes ng naturang lungsod.

Nagresulta ito upang mawasak ang isang nakaparadang Toyota Fortuner at isang Toyota Altis, at ang mga salaming bintana ng naturang bahay. Nagsasagawa pa ng follow-up at im­bestigasyon ang pulisya at inaalam kung sino ang responsable sa pagpapasabog.

Show comments