^

Metro

Sunog sa Pasay: 45 pamilya nawalan ng bahay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 45 pamilya ang nawalan ng bahay at nasa P1.5 million halaga ng mga ari-arian ang napinsala sa  apat na oras na sunog na naganap, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Base sa report ni Pasay City Fire Marshal Chief Ins­pector Douglas Guiyab, alas-6:30 ng gabi nang magsimula ang pagkalat ng apoy sa  inuupahang bahay ni Mary Goto sa E. Santos St., Brgy. 172, Zone 17, Malibay ng nasabing lungsod na pag-aari ng isang Grace Aquino.

Nabatid na bigla na lamang nagliyab sa bandang kusina ng bahay ni Aquino hanggang sa mabilis kumalat ang apoy sa mga kalapit bahay nito na gawa lamang sa light materials.

Nahirapan ang mga bumberong maapula ang apoy dahil sa masikip ang mga kalsada kaya umabot ang sunog sa ikaapat na alarma.

Bandang alas-10:24 ng gabi nang tuluyan maapula ang apoy at ideklara itong fire-out. Wala namang naiulat na nasawi sa insidente.

ACIRC

ANG

AQUINO

BANDANG

DOUGLAS GUIYAB

GRACE AQUINO

MARY GOTO

NBSP

PASAY CITY

PASAY CITY FIRE MARSHAL CHIEF INS

SANTOS ST.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with