MRT muling nagkaaberya

MANILA, Philippines - Panibagong aberya ang bumungad sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), pasado alas-6:00 Sabado ng umaga.

Sa ulat sinuspinde ang biyahe ng mga tren mula sa Taft hanggang Boni stations.

Nakapaskil sa hagdanan ng mga istasyon na walang operasyon dahil sa technical problem.

Sinasabing nagkaroon ng aberya ang isang tren sa tunnel sa EDSA-Guadalupe.

Hanggang pasado ala-7:10 ng umaga ay limita-do ang biyahe ng MRT-3 mula sa North Avenue hang­gang Shaw Boulevard at pa­balik.

Hindi pa malinaw kung kailan maibabalik ng normal ang operasyon ng MRT-3.

Show comments