^

Metro

Bebot tiklo sa pagbebenta ng pekeng pera

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) ang natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa aktong nagbebenta ng pekeng peso bills, sa Sta. Cruz, Maynila,  kamakalawa ng hapon.

Nakapiit sa MPD-General Assignment and Investigation Division (GAIS) ang suspek na si Radiya Datugan, 30, ng Dubai, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa ulat ni Chief Inspector Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, dakong alas-5:00 ng hapon nang dakpin sa isang entrapment operation ang suspek sa Plaza Lacson, Sta. Cruz.

Inginuso lamang umano ng isang babaeng tipster kay Senior Inspector John Wendell Siarez ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang suspek na sinasabing may mga dalang pekeng P200 bills at ibinebenta sa halagang P50 lamang.  

Iniwan ni Siarez ang pagmamando ng trapik at ini­re­port sa Gandara Police Station 11 ang impormasyon at iki­nasa ang entrapment.

Nang makabili ng apat na pirasong pekeng pera ang poseur buyer ng pulis  ay inaresto na ang suspek.

Umabot naman sa hala­gang P4,000 pekeng pera ang nakuha sa pag-iingat ng suspek na may denomination na P200; P500 at P50.

ACIRC

ANG

BASECO COMPOUND

CHIEF INSPECTOR ARSENIO RIPARIP

CRUZ

GANDARA POLICE STATION

GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION DIVISION

MANILA DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with