^

Metro

Barangay tanod binoga, patay sa rider

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng isang hindi kilalang rider, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Jaime Oriel, alyas Adobo, 41, ng Brgy. 166 Zone 17 at naninirahan sa Jose St. Malibay ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.

Base sa report na natanggap ni Senior  Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-9:15 ng gabi sa kahabaan ng Ascano St., Brgy. 176 Zone, 18 Malibay ng naturang lungsod.

Papatawid umano noon ang biktima nang biglang huminto ang isang motorsiklo  sakay ang nakasumbrerong suspect.

Agad pinagbabaril ang biktima, dahilan upang bumulagta at masawi habang  ang suspek naman ay mabilis na tumakas lulan ng hindi naplakahang  motorsiklo.

Ayon sa kaanak ng biktima, marami aniyang kaaway ang biktima at parating may nagbabanta dito.

Inaalam na ng pulisya kung may CCTV camera sa pinangyarihan ng insidente at kung nakuhanan ang pamamaril dito. Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa droga o sugal.

vuukle comment

ANG

ASCANO ST.

AYON

BRGY

INAALAM

JAIME ORIEL

JOEL DORIA

JOSE ST. MALIBAY

MALIBAY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with