‘Oplan Sita’ ng LTFRB, para sa Undas, sinimulan na

MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa nalalapit na Undas 2015, sorpresang ininspeksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus terminals sa Pasay City, kahapon ng umaga. Sa pangunguna ni Atty. Winston Ginez­, chairman ng LTFRB, ilang bus terminals ang nakitaan ng mga paglabag sa batas at patakaran ng ahensiya tulad ng kawalan ng maayos na ventilation ng terminal, may bayad ang paggamit ng CR at walang ma­ayos na akomodasyon at pasilidad  para sa mga pasahero.

Ilan din sa mga bus na papaalis na sana ang pinigil ng grupo­ ng LTFRB dahil sa kalbo nang mga gulong ng sasakyan at sobrang upuan o jamp seater na nakita sa mga pinuntahang terminals na  Victory Liner, Super 5 Bus Line, Elavil, at DLTB. Ayon kay Ginez lahat ng nasita na may violations ay padadalhan ng notice, o pagbabayarin ng karampatang multa at yung iba ay mabibigyan ng cease and desist order. Anya, magpapatuloy ang mga surprise inspection ng LTFRB upang matiyak ang safety at roadworthy ng mga bus para sa kaligtasan ng mga mananakay sa panahon ng Undas.

Show comments