Trader itinumba ng tandem

Trader itinumba ng tandem

MANILA, Philippines – Utas ang isang store owner matapos itong barilin ng ri-ding in tandem, kaha­pon ng umaga sa Navotas City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Renato Masote, ng  Block 37, Lot 2,  Phase 4, Martiniko St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng naturang lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insi-dente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Romeo Razon Uy, hepe ng Navotas City Police, naganap ang insidente sa loob ng tindahan ng biktima habang  abala itong nagbabantay ng tindahan nang dumating ang isang motorsiklo na walang plaka sakay ang mga suspek.

Isa sa mga suspek ang bumaba at bumunot ng baril at pinaputukan nang malapitan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Dali-dali namang nagsita-kas ang mga suspek matapos ang insidente habang inaalam pa ng pulisya ang posibleng mo-tibo sa krimen.

Show comments