^

Metro

Iniwan ni misis, mister nagbigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makaraang tuluyang iwanan ng kanyang misis isang 36-anyos na mister ang natagpuang patay matapos magbigti sa loob ng kaniyang bahay sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng umaga. Nadiskubre lamang ang nagbigting biktima na si Richard Pascual, ng Zamora St., Pandacan, May­nila dakong alas-9:00 ng umaga kamakalawa sa kanyang kuwarto nang puntahan ng kasama sa bahay na si Joselito Braga upang yayaing mag-almusal.

Ayon sa pulisya, isang kawad ng kur­yente ang ginamit nito sa pagbibigti habang isang suicide note umano ang nakita sa tabi nito na nagsasaad ng galit sa misis at sa pagseselos niya. Nabatid na ikalawang pagkakataon nang nagtangka ang biktima na mag­pakamatay na sa una ay hindi natuloy nang balikan ng asawa. Nag-away umano ang biktima at  misis nito dahil sa paghihinala ng una na may karelasyon ang misis hanggang sa maglayas ang huli.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

JOSELITO BRAGA

MAKARAANG

MAYNILA

NABATID

NADISKUBRE

PANDACAN

RICHARD PASCUAL

ZAMORA ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with