3 sibilyan na-shotgun

MANILA, Philippines - Tatlong sibilyan ang na-sugatan makaraang maba- ril ng isang security guard nang makalabit nito ang gatilyo ng kanyang service firearm na shotgun sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na  pawang ginagamot ngayon sa The Medical City Hospital dahil sa tinamong tama ng bala ng baril na de-sabog sa
katawan ay kinilalang sina Kennon Koi Armamen­to, 25; Carla Jane Velas­co, 23 at Mishella Alfon­zo, 30. Agad namang na­da­­­kip ng mga tauhan ng Brgy. Security Force  saBrgy. San Antonio, Pasig City ang suspek na si Jay­rold Riola, 26, ng Tres Ni­nos security agency at na­ninirahahn sa Brgy. Merville, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Erwin Lombredas, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi sa tapat ng E-Games, Escriba Drive, Brgy. San Antonio, Pasig City.

Ayon sa report, habang ang suspek ay on duty sa kanyang trabaho at nagsasagawa ng routine patrol ay hindi sinasadyang  nakalabit nito ang gatilyo ng kanyang  shotgun  na si­­yang dahilan para tamaan ng bala ang tatlong biktima.

Nahaharap ngayon ang suspek ng kasong reckless imprudence resulting in physical injuries sa Pasig City prosecutor’s office. 

Show comments