^

Metro

El Niño info drive, pinalakas ng Manila Water

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinalakas ng water concessionaire na Manila Water ang information drive para mapaghandaan ng mga  kos­tumer ang mga paraang ga­gawin sa papatinding epekto ng El Niño phenomenon.

Sa ilalim ng programa, katulong ng Manila Water ang mga residente, punong barangay, mga local government units at mga pinuno ng mga homeowners associations para mabigyan ng ka­alaman ang publiko para ma­ibsan ang epekto ng El Niño.

Ayon kay Maynilad OIC for Corporate Strategic Affairs at Corporate Communications Head Jeric Sevilla, kinakailangan ang wasto at responsableng paggamit ng tubig bilang tulong ng mga mamamayan upang mas lalong tumagal ang suplay ng tubig sa Angat Dam hang­gang sa susunod na taon.

Sinasabi ng PagAsa na magtatagal ang epekto ng El Niño hanggang sa unang quarter ng susunod na taon kayat kailangang magtipid sa paggamit ng tubig ang mamamayan.

Sa ngayon, may 155 barangays o halos 300,000 mga kabahayan sa eastern  Metro Manila at Rizal ang apektado ng pagbabawas ng water pressure ng Manila Waters o ang pagpapatupad ng 7 hours na water interruption mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng mada­ling-araw.

ACIRC

ANG

ANGAT DAM

ATILDE

CORPORATE COMMUNICATIONS HEAD JERIC SEVILLA

CORPORATE STRATEGIC AFFAIRS

EL NI

MANILA WATER

MANILA WATERS

METRO MANILA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with