Bistek nag-file ng COC, last term sa pagka-mayor
MANILA, Philippines – Pormal nang nagsampa kahapon ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista para sa kanyang ikatlo at last term na posisyon para sa pagka-alkalde ng QC.
Si Bautista ay sinamahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte at mga kasamang konsehal at supporters sa lunsod. Nauna nang nag-file ng kanyang COC si Belmonte noong Miyerkules.
Sa kanyang panig, sinabi ni Bautista na itutuloy ang mga napasimulang programa na nagbigay ng pagsigla ng ekonomiya ng QC. Gayundin ay patuloy na ipatutupad ang paglalaan ng pabahay sa mga mahihirap na taga lunsod at mga nakatira sa mga tinaguriang danger zones.
Makaraan ang pag-file ng COC ay agad namang bumalik sa kanyang trabaho si Bistek habang nagsisigawan ang kanyang mga supporters mula Comelec QC hall compound papuntang opisina sa QC hall.
- Latest