Malapitan, buong partido nagsumite na rin ng COC

MANILA, Philippines – Muling tatakbo bilang alkalde ng Caloocan City si incumbent Mayor Oscar Malapitan sa paghahain nito at ng kanyang buong tiket ng certificate of candidacy kahapon ng umaga.

Mistulang naging piyesta ang paligid ng A. Mabini Street sa tapat ng opisina ng Commission on Elections sa libu-libong tagasuporta ni Malapitan na dumagsa.

Bukod kay Malapitan, naghain rin ng kan­didatura ang mga miyembro ng Partido Tao ang UNA kabilang si incumbent Vice Mayor Macario Asistio III.

Makakalaban muli ni Malapitan sa pagka alkalde ng lungsod si 1st District Rep. Recom Echiverri na dati nang naging alkal­de sa loob ng siyam na taon sa lungsod.

Show comments