Ayala bridge muling isasara sa motorista

MANILA, Philippines - Inabisuhan kahapon  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang  mga motorista na  dumaan sa mga alternatibong ruta kasunod na rin ng pagsasara ng Ayala Bridge.

Nabatid na apat na weekends isasara ang naturang tulay kabilang ang All Saints’ Day upang bigyan daan ang pagpapatuloy ng pagkumpuni nito.

Alas-10:00 kagabi (Oct 9) sinimulan ang pagsasara ng tulay partikular ang bahaging nagkonekta sa Ermita at San Miguel sa Manila  at ito’y bubuksan alas- 5:00 ng madaling araw sa Lunes (Oktubre 12)

Gayundin sa Oktubre 16-19; Oktubre 23-26; at Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 sa kahalintulad na oras.

Samantala, sa Oktubre 15, ang outer lanes ng magkabilang direksiyon  ng tulay ay bubuksan sa trapiko  habang  sa Oktubre  16 at 31, ang dalawang lanes ay bubuksan ang bawat direksiyon  sa mga light vehicles lamang.

 Matatandaan, dapat tapos na noong buwan ng Hulyo ang pagkumpuni ng tulay  ngunit ito’y naantala at inaasahang matatapos pa  sa Disyembre.

Show comments