^

Metro

Paggamit ng beep card sa MRT-3 matagumpay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging matagumpay ang paglulunsad sa paggamit ng beep card o ‘‘tap and go system,” sa mga pa­sahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naging maayos ang pagsisimula nang paggamit ng beep cards, lalo na’t ilang araw pa bago ito isakatuparan ay nagbenta  na ng mga beep cards sa ilang istasyon ng MRT-3.

Ang naturang beep cards ay nagkakahalaga ng P20 bawat isa at maaaring gami-tin sa loob ng apat na taon.

Maaari itong lagyan ng load sa minimum amount na P13 hanggang maximum amount na P10,000.

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), ang mga naturang beep cards  ay maaari ring gamitin sa line 1 at 2 ng Light Rail Transit (LRT).

Kumpiyansa ang DOTC na sa pamamagitan ng bagong ticketing system ay mareresolba na ang problema sa mahabang pila sa mga istasyon ng tren, partikular na sa panahon ng rush hour.

Una nang nagpatupad   ng “tap and go system” sa LRT 1 at 2.

ACIRC

ANG

AYON

BEEP

CARDS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

KUMPIYANSA

LIGHT RAIL TRANSIT

MAAARI

METRO RAIL TRANSIT

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with