^

Metro

3 Nigerian, Pinay timbog sa drug-bust

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong Nigerian national at isang Pinay ang nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (QCPD-DAIDSOTG) makaraang makuhanan ng higit sa isang kilo ng pinatu­yong marijuana at 100 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Las Piñas City, kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat ng QCPD-DAIDSOTG chief Insp. Enrico Fi­gueroa, nakilala ang mga suspect na sina Celestine Chukwudozie, alyas Hugo, 33, negosyante, Nigerian na­tional; at ang asawa nitong Pinay na si Frezel Chukwudozie, 34; at ang dalawa pang Nigerian na sina Johnson Ejiuwa, 27 at Henry Ukpabia, 32.

Ayon kay Figueroa, nasamsam sa mga suspect ang isang plastic bag na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000; isang brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P3,000; isang plastic bags na naglalaman ng pinatuyong marijuana; at tatlong piraso ng genuine P1,000 bill at da­lawang bundle ng “boodle money” na bumubuo sa halagang P203,000 bilang buy bust money.

Sabi ni Figueroa, nadakip ang mga suspect matapos na isagawa ang buy-bust ope­ration sa  harap ng isang res­taurant sa kahabaan ng Za­pote Road, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City, ganap na alas-5 ng madaling araw.

Bago ito, dagdag ng opis­yal, isang linggo nilang mi­­na­­manmanan ang galaw ng mga suspect base sa impormas­yong nakarating sa kanila pa­­tungkol sa umano’y talamak na pagbebenta ng mga ito ng iligal na droga, pero naging mailap ang mga ito. Nang mag-positibo, agad na pinlano ng DAIDSOTG ang isang buy-bust operation sa pamumuno ni Insp. Manuel Laderas kasama ang pito pang miyembro ng DAID.

Sa kasalukuyan, ang mga suspect ay nasa kustodiya ng QCPD-DAIDSOTG habang inihahanda ang kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o ang comprehensive dan­gerous drug act of 2002 laban sa kanila.

Nakikipag-ugnayan na rin ang QCPD sa embahada ng Nigeria hinggil sa nasabing kaso. Aalamin din ng QCPD kung bahagi ang mga suspect ng mas malaking sindikatong West African Drug Syndicate na nambibiktima ng mga Pinoy para maging drug mule.

ACIRC

ANG

ATILDE

CELESTINE CHUKWUDOZIE

DRUG SYNDICATE

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK GROUP

ENRICO FI

ISANG

LAS PI

MGA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with