^

Metro

Tow dolly bumangga sa may makina ng eroplano

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tow dolly (panghila) ang bumangga sa makina ng isang domestic flight na eroplano ng Philippine Airlines (PAL) habang nakaparada ito sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, ang PAL aircraft (flight PR 453) ay nakaparada sa rampa ng Bay 19 ng bumangga ang binabatak na lalagyan ng mga kargamento matapos itong kumalas sa tow dolly at bumangga sa kanan bahagi ng makina ng eroplano dakong alas-4 ng umaga.Sa text message ng MIAA media affairs division (MAD), isang Mark Clifford Toledo, tug driver, ang iniimbestigahan ngayon kung bakit bumangga ang binabatak niyang ‘dolly’.

Ayon sa ulat, kumalas daw ang dolly sa tow tug habang patungo si Toledo sa International Cargo Terminal (ICT).

Wala naman iniulat na nasaktan sa magkabilang panig matapos ang insidente.

Ang eroplanong nabangga ay papunta sana ng General Santos City dakong alas- 6:50 ng umaga pero nagdesisyon ang management ng PAL na palitan na lamang ito ng ibang aircraft para walang problema.

ANG

AYON

BUMANGGA

DOLLY

GENERAL SANTOS CITY

INTERNATIONAL CARGO TERMINAL

ISANG

MARK CLIFFORD TOLEDO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIRLINES

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with