Pagbibigay ng bonus sa Makati City hall employees, rekomendasyon ni Peña

MANILA, Philippines – Si Makati City acting Mayor Romulo “Kid” Peña at hindi ang nasuspindeng si Mayor  Junjun Binay ang nagrekomenda at humiling sa konseho ng lungsod para maaprubahan ang Performance Enhancement Incentive bonus na katumbas ng isang buwang suweldo ng lahat ng kawani.

Ito ang nabatid kaha­pon sa spokesperson ni Makati City Acting Mayor Romulo “Kid” Peña, na    si Gibo Delos Reyes.

Ayon dito, na ang pag-apruba ng  bonus ng mga kawani ng city hall ay dahil sa naunang rekomen­dasyon ng   naturang acting mayor, na mahigpit nga nitong hiniling sa konseho ng Makati na ipagkaloob ang bonus sa mga kawani noong Hulyo 16.

“We all know that this is one of the reform issues the acting mayor has consistently championed. It was an uphill battle but the people have won. It is a clear triumph of reform in Makati” ani Delos Reyes.
Nabatid, na kamakailan,  sa public address sys­tem ni Makati City Acting Vice Mayor Leonardo Magpantay, ipinahayag nito, na dahil aniya sa rekomendasyon nang na­suspinding si Binay kung kaya’t naaprubahan ang bonus ng mga kawani samantalang wala naman aniya itong katibayan na may inihaing proposal ang nasuspinding alkalde.

Hindi nagsisinunga-ling ang ebidensiya dahil walang rekord ang Sanggunian Secretary na may nakabinbing panukala si Binay ukol sa PEI, sabi pa ni Delos Reyes.

“Kung walang pruwe­bang maipakita, ito’y isang malinaw na pambo­bola. Matatalino po ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod, ramdam nila kung sino ang totoong nagmamalasakit sa kanila. Ngayong taon pa lang kami makatitikim ng isang buwang bonus mula sa PEI, at ito’y sa panunungkulan ni Acting Mayor Peña,” dagdag pa nito.

Bilang regular na empleyado sa nakalipas na 17 taon, alam ni Delos Reyes na sa ilalim ng Binay ad- ministration, hindi regular ang pagkakaloob ng P2,000 productivity bonus sa mga empelyado, sa halip, ipanamumudmod lamang ito tuwing panahon ng eleksiyon.

Show comments