Dalaga, nabagsakan ng tabla, utas

MANILA, Philippines - Patay ang isang dalaga na safety officer matapos mabagsakan sa ulo ng nalaglag na tabla mula sa isang ginagawang gusali sa Mandaluyong City, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang Juhvee Tolentino, 24, ng  Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Marlon Climacosa ng Mandaluyong police, nabatid na ang aksidente ay naganap dakong alas-8:40 ng umaga sa Reliance St., corner Edsa, sa lungsod.

Ayon sa report, kasalukuyang sinu-supervise ng biktima ang kanyang mga tauhan nang may nahulog na tabla na may sukat na 50 by 50 centimeter mula sa isang ginagawang gusali sa lugar.

Tumama sa ulo ng biktima ang nahulog na kahoy na siyang dahilan upang maging unconscious ito at isugod sa The Medical Center.

Matapos ang isang araw sa pagamutan ay sumakabilang buhay din ang biktima kahapon ng alas-11:30 ng umaga.

Show comments