^

Metro

Ginang binoga, sugatan sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang ginang nang barilin ito ng isa sa riding-in-tandem na suspect na hinihinalang may kinalaman sa lupang minana ng mister ng una, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ang biktima na kasa­lukuyang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng tinamong tama ng kalibre .45 baril sa kaliwang tainga ay nakilalang si Felicidad Sioson-Reyes, 59, residente ng Rodriguez 1, Brgy. Dam-palit ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, ng Malabon City Police, naganap ang insi-dente alas-7:30 ng umaga sa harapan mismo ng pintuan ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid, na papasok ang ginang sa loob ng kanyang bahay nang bigla na lamang dumating ang dalawang suspek lulan ng isang motorsiklo na walang plaka.

Kaagad na naglabas ng kalibre .45 baril ang isa sa mga ito at pinaputukan ang ginang.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek at ang ginang naman ay dali-daling dinala sa naturang ospital ng kanyang mga kaanak.

Sa salaysay ng biktima sa mga pulis, hinala niya ay may kaugnayan sa lupang minana ng kanyang asawang si Pascualito Reyes sa Nueva Ecija ang tangkang pagpatay sa kanya.

ACIRC

ANG

BRGY

FELICIDAD SIOSON-REYES

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KAAGAD

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NUEVA ECIJA

PASCUALITO REYES

ROMMEL HABIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with