^

Metro

2 biktima ng salvage natagpuan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang nakasilid sa garbage bag, kahapon ng umaga sa Makati City.

Tadtad ng saksak sa ka­tawan at may palatan­daan na sinakal pa ang mga ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Genesis Gonzaga, 22, binata, ng Brgy. Pio del Pilar ng naturang lungsod  at Ricardo Cortez, kapwa miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gang’.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO2 Jason David, ng Homicide Section, Makati City Police, alas-5:30 kahapon ng umaga habang naglalakad si Vincent Daria, 35 sa may bangketa ng  panulukan ng M. Reyes at Calhoun Sts., Brgy. Pio del Pilar nang  mapansin  ang kahina-hinalang kulay itim na garbage plastic bag dahilan upang usyusuhin niya ito kung saan nang buksan ay tumambad sa kanya ang dalawang bangkay ng lalaki.

Ayon naman sa bara-ngay, kilala umanong holdaper at snatcher ang mga biktima sa naturang lugar, kung kaya’t may hinala ang pulisya na ang mga ito ay biktima ng salvage.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CALHOUN STS

GENESIS GONZAGA

HOMICIDE SECTION

JASON DAVID

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

PIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with