^

Metro

Habambuhay hatol sa trader na pumatay sa magkapatid

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol kahapon  ng Calamba City Regional Trial Court sa  63-anyos na negosyante kaugnay sa brutal na pagpatay sa magkapatid may 12 taon na ang  nakakaraan.

Alas-11:30 ng umaga nang basahan ng hatol sa loob ng court room ng National Bilibid Prison ang akusadong si Joe Ma. Panlilio, na taga Bulacan habang ito ay nakapiit sa NBP sa Muntinlupa dahil sa iba pa nitong kaso.

Base sa 48 pahinang desisyon  ni Judge Luis Acosta, ng Calamba RTC, Branch 36, reclusion perpetua o ha­bambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol kay Pan­lilio.

Dahil  sa kasong robbery with homicide at walang ring iginawad na pagkakataon na bigyan ito ng parole.

Base sa rekord ng korte, si Panlilio ay siyang itinuturong pumatay sa magkapatid na sina Albert at Ariel De Castro,  na itinapon sa  Barangay Makiling, Calamba, Laguna noong 2003.

Kung saan nawawala ang dalang pera ng magkapatid, na ninakaw umano ni Panlilio.

Tumagal lamang ng sampung minuto ang pagbasa ng hatol laban kay Panlilio,  na kung saan napaiyak sa tuwa ang ina ng magkapatid na si Atty. Carmencita De Castro dahil labing dalawang taon itong nakipaglaban para sa hustisya sa pagkamatay ng kanyang mga anak.

Matatandaan, na nadakip si Panlilio sa bansang Thailand noong 2010 dahil  sa paglabag sa Immigration law matapos gumamit ng pekeng pangalan na Fernando Oblasa sa pasaporte nito at ikinulong naman sa NBP matapos unang mahatulan sa ibang kaso nitong   estafa sa Mandaluyong City Regional Trial Court.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, pinagbabayad din ng korte ng halagang P100,000 ang akusado bilang danyos perwisyo.

ACIRC

ANG

ARIEL DE CASTRO

BARANGAY MAKILING

CALAMBA

CALAMBA CITY REGIONAL TRIAL COURT

CARMENCITA DE CASTRO

FERNANDO OBLASA

JOE MA

NBSP

PANLILIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with