Sobrang depresyon, tambay nagbigti

MANILA, Philippines – Winakasan ng isang lalaki ang sarili nitong buhay nang magbigti sa loob ng tinutuluyang bahay dahil sa sobrang de­presyon dahil sa kawalan ng trabaho, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang Caloocan City Police ukol sa pagkakatagpo sa bangkay ni Elmer Termolo, 45, may live-in partner, sa bahay nito sa No. 128 Libis Talisay Dulo, Bgy. 12, ng naturang lungsod.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Section sa lugar at nadiskubre ang nakabiting bangkay ni Termolo gamit ang kawad ng kur­yente na isinabit nito sa kisame.

Tumanggi naman ang live-in partner ni Termolo na si Mary Anne Maliitan na isailalim sa otopsiya ang bangkay ng kinaka­sama sa paniwala na kusa itong nagpatiwakal.

Show comments