^

Metro

Unahan sa pila, driver bulagta sa kapwa tsuper

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang tricycle driver matapos itong barilin ng kapwa nito tsuper dahil lamang sa pag-uunahan sa pila sa isang terminal sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Santa Ana Hospital sa Maynila ang biktimang si Victor Moreno, 36, ng Sunrise Compound, Mola St., Brgy. La Paz, Makati City sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang pagdakip sa suspek na nakila­lang si Cezar Nabal, stay-in sa Off-shore Bar and Restaurant sa Kamagong St., Brgy. San Antonio Village, Ma­­kati City.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi sa terminal ng mga tricycle sa panulukan ng Metropolitan at Chino Roces Sts., Brgy. La Paz ng naturang lungsod.

Sinasabing nag-agawan sa pila ang dalawa kung saan sinita ng suspek ang biktima, na kung bakit ito nakikipila sa kanilang terminal, samantalang hindi naman aniya ito miyembro dito.

Dahilan upang magkaroon ng argumento ang suspek at biktima at sa kainitan ng kanilang away ay kumuha ng baril si Nabal at pinutukan nito sa ulo si Moreno.

Duguang bumulagta si Mo­reno at matapos ang pa­mamaril ay kaagad namang tumakas si Nabal.

Mabilis na dinala ng kapwa nya tricycle driver si Moreno sa naturang ospital, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

 

ACIRC

ANG

BAR AND RESTAURANT

BRGY

CEZAR NABAL

CHINO ROCES STS

ERNESTO BARLAM

KAMAGONG ST.

LA PAZ

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with