Plaka ng 62 units ng Valisno, kinumpiska ng LTFRB
MANILA, Philippines - Kinumpiska na ng mga elemento ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga plaka ng mga bus units ng Valisno Express Bus, kahapon.
Ito ayon sa LTFRB ay makaraang dalhin ng mga tauhan ng ahensiya ang 30 days suspension order ng ahensiya laban sa bus company.
Inamin din naman ng LTFRB na may problema ang rehistro ng naaksidenteng bus ng Valisno Express na dito maaari anyang magkaproblema dahil nakasaad sa polisiya ng insurance company ng Valinso na kailangang maayos ang mga dokumento nito.
Dumipensa naman si LTFRB chairperson Winston Ginez na walang humpay ang kanilang inspeksyon sa mga bus company. Alinsunod na rin anya ito sa mandato nilang makapagsiyasat ng 100,000 bus units sa buong bansa, na isa sa mga kapalit ng pondong iginawad sa kanila ng Department of Budget and Management (DBM).
Maaari anyang hindi lamang napasama ang Valisno sa unang batch ng mga nasiyasat na kompanya. Sa kabila nito, nakatanggap naman anya ang LTFRB ng sulat mula sa insurance company na tutulong ito sa mga biktima.
- Latest