^

Metro

Pagkalat ng infectious disease maiiwasan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil na rin sa iba’t ibang mga sakit na  nakahahawa at ma­aaring makuha  sa loob at labas man ng  ospital at mga paaralan, magsasagawa ngayon ang  pamunuan ng    Justice Jose Abad Santos Hospital  ng mga pamamaraan upang maiwasan ito.

Ayon kay Dr. Nerissa Sescon  ng JJASGH, sinisimulan na  nila ang ilang mga paraan upang  maiwasan na mahawa ang mga doctor gayundin ang mga pasyente  at kamag-anak ng mga ito ng mga sakit sa loob ng  ospital.

Karamihan aniya sa mga staff at lalo na ang mga kamag-anak ng pasyente ay nalilimutang maghugas ng kamay na pinakamahalaga upang maiwasan ang anumang pagkakasakit lalo pa’t  kamay ang madalas na ginagamit sa pagkain, pagbi­bigay ng  gamot  at pakikipagkamay.

Ituturo sa lahat ang tamang paghuhugas ng kamay na malaking tulong upang  maiwasan ang pagkahawa o pagsalin ng mga nakahahawang sakit. Sa Agosto 19 ang pormal na paglulunsad sa  kampanya.

Ang lahat ay magkakaroon ng on ‘pledge of commitment’ upang  matutukan ang tamang paghuhugas ng kamay para na rin sa kapakanan ng  publiko. Ani Sescon, sa tamang  ‘hand hygiene’ nakatitiyak na walang  sakit   na maipapasa kaninuman.

Nabatid kay Sescon na mamimigay sila ng  pin sa mga ospital bilang  paalala sa lahat ng mga nasa loob ng  gusali ng tamang paghuhugas ng   kamay.

Isa sa mga paraan aniya  ay ang  pagkanta ng ‘happy birthday’ song.  Kung matapos ang kanta at ang paghuhugas nangangahulugan na tama ang  paghuhugas ng kamay. Subalit kung  matapos ang  paghuhugas ng kamay at hindi pa aniya tapos ang kanta, indikasyon lamang ito na may nakaligtaang hugasan ang isang indibiduwal.

Sakaling maging matagumpay ang  kampanya, gagawin din ito sa  mga paaralan na malapit sa JJASGH kabilang na ang Rajah Solayman High  School, Jose Abad Santos High School at P. Guevarra Elementary School.

ACIRC

ANG

ANI SESCON

DR. NERISSA SESCON

GUEVARRA ELEMENTARY SCHOOL

JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS HOSPITAL

KAMAY

MGA

NBSP

RAJAH SOLAYMAN HIGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with