^

Metro

Operasyon ng MRT mananatiling abnormal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ni Metro Rail Transit General Manager Roman Buenafe na nananatiling abnormal ang operasyon ng MRT-3.

Ayon kay Buenafe, mula ng maging GM siya, anim na buwan pa lamang ang nakali­lipas ay hindi pa bumiyahe sa normal operation ang mga tren ng MRT-3.

Sinabi ni Buenafe, masasabi lamang niyang normal ang operation ng MRT-3 kung 20 tren ang bibiyahe upang matugunan ang halos kalahating milyong sumasakay ng MRT-3 araw-araw.

Sa ngayon aniya ay nasa 12-16 tren lamang ang bumi­biyahe araw-araw sa kahabaan ng Edsa North Ave­nue, sa Quezon City patungo sa Edsa, Pasay City.

Si Buenafe ay umupo bilang GM ng MRT-3 noong Enero 4, 2015. Pinalitan niya si Renato San Jose na dating officer-in-charge ng MRT.

Umapela ng pang-unawa at paumanhin sa publiko si Buenafe bunsod ng madalas na pagkakaroon ng aberya sa MRT-3 at kakulangan ng mga bumibiyaheng tren.

Aniya, gumagawa naman ng paraan ang pamahalaan upang masolusyunan ang problema para maging kumbinyente ang mga commuters sa kanilang biyahe.

ACIRC

ANG

ANIYA

BUENAFE

EDSA NORTH AVE

METRO RAIL TRANSIT GENERAL MANAGER ROMAN BUENAFE

MRT

PASAY CITY

QUEZON CITY

RENATO SAN JOSE

SI BUENAFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with