^

Metro

12-anyos na nene, dinukot sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Hindi masyadong pinaniniwalaan ng marami kahit ako hindi dati naniniwala, pero ngayon na nangyari ito sa isang consti­tuent ng barangay namin at kasama kami sa sumundo sa bata, naniniwala na ako na totoo ang ‘puting van’ na gumagala para dumukot ng mga bata”

Pahayag ito ni Kagawad  Elvie Torricer Paguia  ng Barangay 352, Zone 35 sa hepe ng Manila Police Di­strict-Women and Children Protection Desk na si Senior Inspector Vicky Tamayo kaugnay sa inihaing reklamo laban sa tatlong hindi pa kilalang mga maskaradong lalaki na sakay ng kulay puting van.

Sa report, sapilitang isina­kay sa naturang puting van ang biktimang si Kikay (di tunay na pangalan), 12, dakong alas-6:30 ng umaga noong Hulyo 27, sa Don Quijote St., Sampaloc habang naglalakad papasok sa Ramon Magsaysay High School.

Nabatid na ang biktima, isang grade 7, ay anak ng City Security Force (CSF) ng Manila City Hall, ay nakaligtas lamang sa kamay ng mga abductor nang siya ay biglang tumalon sa van nang manigarilyo umano ang kanilang bantay at bumaba pansamantala sa highway. Nagtago umano siya sa mapuno at mga halaman hanggang sa makaalis ang van.

Nang may dumaan na pampasadang dyip ay pinara niya ito at sumakay hanggang sa makita niya na ang lugar na patungo sa kaniyang lola sa Molino, Cavite.

“Yung naglalakad po ako, isang lalaki lang ang lumapit sa akin, sabi niya po pinasusundo ako ng nanay ko. Sabi ko naman alam ng nanay ko na papasok pa lang ako ng iskul pero hinila po ako at isinakay sa van. Sa flooring po ako pinaupo at katabi ng 5 pang mga batang babae na ka-edad ko lang po, nag-iiyakan sila. Itinupi po yung upuan sa likod ng van,” ani Kikay.

Ilang beses umano silang  tinanong kung sino ang maysakit sa puso sa kanila at nang walang sumasagot dahil nag-iiyakan, nagsabi si Kikay na maysakit siya. Nang i-post ng tiyahin ng biktima na taga-Mo­lino Cavite na naroon ito ay saka lamang siya sinundo ng magulang. “Pano ko po  malalaman na nadukot siya, ang alam ko pumasok siya ng school,” ani Lea,  32, ina ng biktima.

Ang barangay kagawad ang hiningan ni Lea ng tulong at sumundo sa Cavite sa anak na dinukot. Wala namang ma­kuhang kuha ng closed circuit television (CCTV) sa lugar na pinangyarihan ng pagdukot.

ACIRC

AKO

ANG

CAVITE

CITY SECURITY FORCE

DON QUIJOTE ST.

ELVIE TORRICER PAGUIA

KIKAY

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DI

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with