Rehabilitasyon ng Magallanes Interchange, ’wag muna-MMDA
MANILA, Philippines – Dahil magdudulot ng masikip na trapiko at masasabay pa sa pagkukumpuni ng Ayala Bridge sa Maynila, hindi pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kahilingan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maipagpatuloy ang rehabilitasyon ng Magallanes Interchange sa panahon ng Semana Santa. ??
Dahilan ni MMDA Chairman Francis Tolentino, lalong sisikip aniya ang trapiko kung itutuloy pa ito dahil makakasabay nito ang ginagawang pagkukumpuni sa Ayala Bridge sa Maynila na nauna nang isinara sa mga motorista.??
Nakadagdag pa aniya rito ang patuloy na konstruksiyon ng Stage 3 ng Skyway na umabot na sa Quirino Avenue, Maynila.??
Sinabi pa ni Tolentino, kahit marami aniyang alternatibong daang binuksan, kung isasabay ang pagsasara ng Magallanes Interchange ay baka lalo aniyang sisikip ang trapiko sa mga nasabing lugar.
- Latest