MANILA, Philippines - Bibigyang-pugay ng Philippine Children’s Medical Center ang responsibilidad ng mga kababaihan sa pag-aalaga ng mga batang may sakit kasabay ng selebrasyon ng National Women’s Month ngayon Lunes.
Ang flash mob dance na pinamagatang “Salamat sa mga Kababaihan sa Kalusugan ng mga Batang Pilipino” ay magsismula ng alas 7:00 umaga na bahagi naman ng One Billion Rising Project kung saan hangad ang pagkakaroon ng gender equality at women empowerment.
Bahagi din ng programa ang “Pagpupugay kay Juana, Simbolo ng Kababaihan” na parangalan sa iba’t ibang uri ng kababaihan na tumutulong sa mga may sakit at kapus palad.
Gaganapin din ang unveiling ng “Portrait of a Woman” PCMC atrium kung saan ipakikita ang kahalagahan ng kababaihan sa kalusagan ng mga bata.