^

Metro

Dalaga dinukot, ginawang sex slave

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naisalba kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 20-anyos na dalaga na pinaamoy ng pampatulog at saka kinidnap kung saan itinago ito sa isang bahay at ginawang sex slave sa loob ng   halos apat na araw sa Mapulang Lupa,Valenzuela City.

Hindi na maitanggi ng suspek na si Ibrahim Giama, alyas Kacko, 23, residente ng Block 15, Baseco,Tondo, Maynila ang ginawang krimen nang matunton ang kaniyang pinagtataguan sa Valenzuela City na doon din natagpuan ang biktimang itinago sa pangalang Ericka.

Nakapiit na sa MPD-station 5 ang suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence Against Women and Children Act) at serious physical injury kaugnay naman ng pananakit sa biktima at paggapos dito.

Sa reklamo, sinabi ng biktima na namasyal lamang sila ng kaniyang mga kaibigan kasama ang suspek sa Roxas Boulevard malapit sa panulukan ng Pedro Gil St.  alas-2:00 ng hapon noong Marso 15. Nang mag-uwian ay niyaya siya ng suspect na mag-stroll pa sa kalapit na lugar hanggang sa hindi na niya namalayan na may pinaamoy sa kaniya ang suspek na nakatulog siya.

Nang magising ay nakatali na siya sa loob ng isang madilim na bahay kung saan siya pinilit na makipag-sex. Paulit-ulit umano ang pakikipagtalik ng suspek na kung tinatanggihan niya ay sinasaktan siya.

Sa ikatlong araw ay nakatiyempo siyang tulog ang suspek at nakuha niya ang cellphone nito upang mai-text naman sa kaibigan niya ang sinasapit sa suspek.

Naging dahilan ito upang matunton ng mga pulis ang lugar at bandang alas 12:59 ng madaling araw kahapon ay napasok ang bahay at nailigtas ang biktima, kasabay ng pag-aresto sa suspek. Inilarawan ang suspek na nasa impluwensiya umano ng iligal na droga at lasing din sa alak.

IBRAHIM GIAMA

MANILA POLICE DISTRICT

MAPULANG LUPA

NANG

PEDRO GIL ST.

REPUBLIC ACT

ROXAS BOULEVARD

SUSPEK

VALENZUELA CITY

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with