^

Metro

Pamilya ng OFW nagpasaklolo sa DFA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napapasaklolo ang mga kapamilya ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nakakulong ngayon sa Kuwait makaraang ma-set-up umano na magdala ng iligal na droga­ sa bansang Kuwait nang wala itong kaalaman, da­lawang buwan na ang nakakalipas.

Sa panawagan ni Abigael Destajo, ng Bilibiran, Binangonan, Rizal, dalawang buwan nang nakakulong sa Kuwait ang kanyang hipag na si Clarita Abnes Destajo makaraang arestuhin paglapag sa paliparan sa naturang bansa.

Sa salaysay ni Des­tajo, nag-apply si Clarita sa LMB Worldwide Ser­vices Inc., bilang isang domestic helper, sa pa­mamagitan ng ABCA Recruitment Agency. Enero 15 nang umalis si Clarita patungo sa Kuwait ngunit bago umalis nagtungo muna ito sa bahay ng sekretarya ng ABCA Agency sa may Angono, Rizal na si Ca­therine Castillo Saquing at dito ipinakisuyo umano ng ina nito ang pagpapadala ng isang figurine na nakalagay sa isang kahon na pula. Hindi naman ito kinuwestiyon ni Clarita dahil sa ipangdi­display lamang umano ito ni Saquing sa opisina sa Kuwait.

Nang makalapag sa paliparan sa Kuwait, ma­tagal umanong naghintay si Clarita sa kanyang sundo na isang “Yvonne”, isa ring sekretarya ng agency sa naturang bansa.

Ngunit sumulpot na agad ang isang pulis-Kuwait na nagpumilit na buksan ang kanyang bagahe partikular ang padala sa kanya na pigurin. Dito nakita ang isang plastic bag na may lamang puting pulbos na umano’y iligal na droga.

Dito na inaresto si Clarita ng pulisya at kasalukuyang naka­detine sa naturang bansa. Nabatid lamang ang sinapit ni Clarita nang duma­ting sa Pilipinas ang na­­kasama sa kulungan nito na si Lorenza Abril na nagtiyagang hanapin ang address ni Clarita sa bansa.

“Ako at ang aking buong pamilya ay lubos na nagmamakaawa na sana matulungan n’yo po kami sa pagsubok na ito. Natatakot po kami na baka tuluyang masiraan ng bait ang aking ate. Lumalapit naman po kami sa local agency n’ya pero parang hindi po umuusad ang kaso ni Clarita,” bahagi ng pahayag ni Destajo.

ABIGAEL DESTAJO

CASTILLO SAQUING

CLARITA

CLARITA ABNES DESTAJO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DITO

ISANG

KUWAIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with