2 bebot sabay ginilitan sa Caloocan

Kapwa humandusay sa daan ang dalawang babae na ito matapos na sabay gilitan ng apat na kalalakihang sinasabing miyembro ng robbery-holdup gang. STAR/ Bernardo Batuigas

MANILA, Philippines - Dalawang dalaga ang nasawi matapos pagtulungang saksakin sa  leeg  ng apat na miyembro ng isang robbery holdup gang sa Caloocan City­, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Princess dela Cruz, 19; at Maryrose Junio, 18, kap­wa naninirahan sa Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Patuloy namang nagsasa­gawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa apat na suspek na nakilalang sina Bimbo Badiola; Arthur Badiola at dalawa pa na kinilala lamang sa alyas  Bibe at alyas Along. Ang mga ito ay pawang miyembro ng ‘Panoy robbery-holdup group’.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Gomer Mappala, ng Caloocan City Police, naganap ang in­sidente alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Phase 2, Package 1, Block 16, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Kasalukuyang naglalakad pauwi ang mga biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang itong harangin ng mga suspek na matagal nang may galit sa dalawang dalaga.

Agad na sinaksak ng mga suspek ang mga biktima sa leeg at dibdib at nang ma­tiyak na patay na ang mga ito ay mabilis na nagsitakas.

Ayon sa mga pulis, ang grupo ng mga suspek ay kilala sa naturang lugar dahil sa panghoholdap at iba pang krimen kaya’t matagal na ring nagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga ito.

 

Show comments