^

Metro

Droga ipinapasok sa Pasig City Jail?

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpapatupad ngayon ng mahigpit na seguridad ang Pasig City Jail (PCJ) sa lahat ng dalaw ng mga preso makaraang matanggap ng in­telligence reports na ilang drug personality ang umano’y nagpapasok ng ilegal na droga sa nasabing piitan.

Ayon kay P/Supt. Manuel Chan, jail warden ng PCJ, nagpatupad na siya ng mas mahigpit na anti-contraband strategies at mas istriktong inspeksyon sa lahat ng bisita na pumapasok sa bilangguan.

Sinabi ni Chan, nagsasagawa na rin sila ng random suprise “Oplan Greyhound” sa lahat ng selda.

Aniya, nagdagdag na rin siya ng mga peri­meter fence o razor barbed wires sa may 1,927 square meters jail premises, gayundin ng Closed Circuit Television (CCTV) cameras­.

Nauna rito, nakatanggap ng intelligence reports si Chan na may magtatangkang magpasok ng illegal na droga sa loob ng kulungan sanhi upang gumawa siya ng mga hakbang upang mapigilan ito.

May kabuuang 863 de­ tainees ang Pasig City Jail at 70 porsyento sa mga ito ay may kinalaman sa illegal na droga.

Pinaigting na rin ni Chan ang kanyang intelligence mo­nitoring upang matukoy kung mayroong personnel ng Pasig City Jail na nakikipagsabwatan sa mga drug personalities na nais magpuslit ng droga
sa kulungan.

Sa ngayon, ani Chan ay kulang na kulang ang kanyang mga jail officer kaya’t nag-request na siya sa Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) para dagdagan ang kanyang mga tauhan.

ANIYA

AYON

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

JAIL

MANUEL CHAN

OPLAN GREYHOUND

PASIG CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with