^

Metro

Aberya na naman sa MRT

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nagka­aberya ang Metro Rail Transit (MRT) dahilan upang ma­abala ang mga mananakay nito kahapon ng umaga sa Makati City.

Dahil sa insidente, kina­ilangang ibaba ang daan-daang pasahero sa Ayala MRT Station  at marami rito ang nakaranas ng matinding abala.

Ayon sa pamunuan ng MRT,  pasado alas-8:00 ng umaga nang magkaaberya ang isang train nito pagsapit  ng south-bound lane ng Buendia o Gil Puyat Avenue Station ng naturang lungsod.

Nabatid sa MRT management, na breaking indication ang isa sa mga nakikita nilang dahilan ng aberya.

Nabatid, na nauna nang  inamin ni MRT General Ma­nager Roman Buenafe na pinakamalaking problema ng MRT ay ang riles na nagdudulot ng biglaang pagpreno at paghinto ng train.

Dahil nga sa kadalasang aberya sa MRT, ngayong araw ng Sabado ay magsi­simula na ang pinaiksing operation o shortened operation ng MRT-3 upang bigyang daan ang pagpapalit ng riles nito.

Wala nang biyahe ang MRT  mula alas-9:00 Sabado ng gabi (Pebrero 28) hanggang alas-12:00 Linggo ng tanghali (Marso 1).

Aniya, ikakabit ng maintenance contractor na Global APT ang winelding na riles sa bandang Taft at Magallanes Station, gamit ang riles na kinuha nila mula sa depot.

DAHIL

GENERAL MA

GIL PUYAT AVENUE STATION

MAGALLANES STATION

MAKATI CITY

METRO RAIL TRANSIT

MRT

NABATID

ROMAN BUENAFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with