^

Metro

Bomb scare sa tapat ng PGH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdulot ng tensiyon sa mga security personnel ng Korte Suprema ang kahina-hinalang package na inabandona sa tapat ng University of the Philippines-Phillipine General Hospital (UP-PGH) sa Padre Faura, Ermita, Maynila, kahapon ng  umaga.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Inspector Arnold Santos, ng Manila Police District-Explosive and Ordnance Division (MPD-EOD) , dakong alas -9:10 ng umaga kahapon nang mapansin ng mga sekyu ang kahina-hinalang malaking package sa mismong harap ng UP-PGH katapat lamang ng Supreme Court at malapit din sa Department of Justice (DOJ).

Agad na rumesponde ang EOD Team Viper 41 dala ang isang hitsurang maleta na EOD equipment na ang tawag ay “X-ray  machine logos 200” na ginamit sa pagtukoy ng nilalaman ng package na pawang retasong construction materials lamang at wala namang anumang pampasabog.

Naging alerto lamang umano ang mga sekyu sa pa­­ligid dahil kahapon ay may malakihang rally sa EDSA ka­ugnay sa anibersaryo  ng People’s Power.

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERMITA

KORTE SUPREMA

MANILA POLICE DISTRICT-EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

PADRE FAURA

SENIOR INSPECTOR ARNOLD SANTOS

SUPREME COURT

TEAM VIPER

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-PHILLIPINE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with