^

Metro

Seguridad sa city hall paiigtingin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas paiigtingin pa ng   Manila City hall- Manila Action and Special Assignment(MASA) ang seguridad  sa city hall laban sa  mga fixer at indibiduwal na gumagawa ng  illegal.

Ito naman ang nabatid mula kay  MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. matapos na  isailalim sa kanya ang kontrol sa  seguridad sa city hall.

Papalitan ng MASA ang kontrol sa mga nagbabantay na tauhan ng City Security Force (CSF) kung saan sinasabi umanong maraming nakakalusot na indibiduwal na nagsasagawa ng modus operandi.

Ayon kay Irinco, hindi naman  matatanggal ang lahat ng mga tauhan ng CSF. Kanila  munang sasalain ang mga nakatalaga sa city hall upang malaman kung sino ang dapat na  i-retain.

Giit ni Irinco, priyoridad nilang mabigyan ng proteksiyon ang bawat taxpayer na nagsasagawa ng kanilang transaksiyon at maiiwas sa panloloko ng  mga fixers.

Inamin ni  Irinco na maluwag ang seguridad sa city hall kung saan patuloy na nakakapagsagawa ng  illegal operation ang mga fixers.

Hindi umano tama na  maloko pa ang mga  negos­yanteng nagbabayad ng kanilang  buwis na nakatutulong naman sa  pondo ng  city go­vernment.

 

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CITY

CITY SECURITY FORCE

IRINCO

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MANILA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with