Rehabilitasyon ng Chinatown, sisimulan na
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pasasalamat si Manila 3rd District Councilor Bernie Ang kay Manila Mayor Joseph Estrada sa pagsasakatuparan ng pangako nitong ayusin ang pinakamatandang arko sa buong bansa at nag-uugnay sa mga Filipino at Chinese.
Sa ginanap na unveiling sa Binondo, sinabi ni Ang na Vice Chairman ng Manila Chinatown Development Council, na ilang administrasyon na ang nangako tuwing eleksiyon na aayusin ang pintuan ng kalakalan sa Chinatown subalit hindi naman naisagawa. Ayon kay Ang, indikasyon lamang ito na mas pinagtitibay pa ng administrasyon ni Estrada kasama si Manila Vice Mayor Isko Moreno ang ugnayan ng mga negosyanteng Filipino at Chinese. Inaasahang matatapos ang arko sa Hunyo kung saan isasabay sa Araw ng Maynila. Gagawin ito ng Singaporean architect. Sa katunayan ay naging prayoridad ni Estrada ang rehabilitasyon ng Chinatown upang maging Tourism Center.
Binigyan-diin pa ni Estrada na kailangan aniyang ayusin at pagandahin ang gate ng Binondo Chinatown upang mas makahikayat pa ng mga mamumuhunan at negosyante para na rin sa pag-unlad ng lungsod ng Maynila.
- Latest