Tensyon sumiklab sa demolisyon
MANILA, Philippines – Sumiklab ang tensyon nang magkabatuhan, sigawan at magkagirian sa isinagawang demolisyon sa isang establisimento sa Makati City, kahapon ng umaga.
Ayon sa report na nagkagirian sa pagitan ng demolition team, mga pulis at ang mga residenteng omuokopa ng loteng pag-aari ng Skyline International Incorporated na may 50 pamilya.
Iginiit ni Roger Moreno, administrator ng Skyline, base sa desisyon ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 132 nakasaad na sa kanila ang lote na pinagtibay pa umano ng desisyon ng Court of Appeals (CA) kung kaya’t nagtataka sila kung bakit bigla na lamang silang paalisin sa lugar.
Bagama’t nanindigan ang mga ito na haharangin nila ang demolition team ngunit nang dumating na sa lugar ang court sheriff ng QC RTC-Branch 77 na si Angel Doroni ay iniutos na ituloy ang pag-demolish.
Dumating rin ang umaangkin sa 746 square meters na loteng si Rufina Lim at iginiit na sa kanya ang lupa batay sa desisyon umano ng korte.
Gayunman, matapos ang palitan ng dokumento, natuloy din ang demolisyon at walang nagawa ang mga residente kundi maghakot ng mga gamit.
Nabatid, na magtanghali na nang simulang pasukin ng demolition team at mga pulis ang naturang lote at itinuloy na ang demolisyon habang nakabantay ang mga pulis.
- Latest