Kilabot na rapist, robber patay sa QC office

MANILA, Philippines – Patay ang suspek sa serye ng nakawan at panggagahasa matapos magtangkang agawan ng baril ang isang pulis sa Quezon City Prosecutor's Office kagabi.

Ayon sa imbestigasyon, dinala ang suspek na si Mark Soque, 29, sa ikaapat na palapag ng Quezon City Hall of Justice upang basahan ng sakdal bandang 11:25 ng gabi.

Matapos ang inquest proceedings, tinangka umanong agawin ni Soque ang baril ni Police Officer 3 Juvy Jumuad dahilan para unahan siya ng pulis.

Sinubukan pang dalhin sa East Avenue Medical Center ang suspek ngunit hindi na siya umabot nang buhay.

Nasakote si Soque nitong Biyernes sa isang shopping mall, habang tinutugis pa ang kasama niya.
 

Show comments