Driver binoga sa ulo, utas

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang 39-anyos na tricycle driver matapos barilin sa ulo ng hindi nakikilalang salarin, habang nag-aabang ng pasahero, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang kinilalang si Joselito San Diego, ng Gabriela St., Dagupan, Tondo.

Batay sa ulat ni  SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Eliza’s Store, sa Dagupan, panulukan ng Tayuman St., Tondo.

Kapaparada pa lamang umano ng biktima sa kanto upang maghintay ng pasahero nang dumating ang isang lalaki at pinutukan ng dalawang ulit sa ulo ang una habang naka­talikod.

Tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen.

Iniimbestigahan pa kung sino ang mga naging kaalitan ng biktima para maestablisa ang motibo sa krimen at ma­tukoy kung sino ang gunman.

Show comments