^

Metro

Quezon City, pilot area ng E-trike service

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pilot area na ngayon ang Quezon City ng E-tricycle service operation na gumagamit ng latest mobility-cloud connecting system technology na ginawa ng information and communications technology vehicles venture company na nakabase sa Tokyo , Japan.

Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement si Mayor Herbert Bautista sa pagitan ng project partner, Global Mobility Service, Inc. President Tokushi Nakashima para  sa pagpapatupad ng  E-tricycle project sa lungsod. Nakiisa sa okasyon si Vice Mayor Joy Belmonte.

Dahil ang  E-trikes ay may mobility-cloud connecting system, higit itong nakaka-access sa road worthiness ng sasakyan dahil ito ay  may  system features integrated monitoring, remote control at anti-theft system.

May limang e-trikes ang naunang pinatakbo ng  GMS  sa Barangay Central TODA mula nitong buwan ng Pebrero hanggang sa Abril para madetermina ang technical at economic viability ng sasakyan.

Ang  GMS-developed E-tricycle ay maaaring magsakay ng 3 pasahero kasama na ang driver nito, may 1-1/2 hours para ma-recharge  at may 3 oras na maaaring i-operate sa 30 kilometer na layo ng tatakbuhin.

ABRIL

BARANGAY CENTRAL

DAHIL

GLOBAL MOBILITY SERVICE

MAYOR HERBERT BAUTISTA

PRESIDENT TOKUSHI NAKASHIMA

QUEZON CITY

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with