Ginang lasog sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Utas ang isang 57-anyos na ginang makaraang mabundol ng rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa Mac Arthur Highway sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center dahil sa tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Flerida Intia, ng B. Encarnacion St., Brgy. Dalandanan, ng naturang lungsod. Naaresto naman ang driver   ng Yamaha Novou motor­cycle na si Alvin Joseph Cruz, 22, binata, ng   Alumina St, Brgy. Tugatog, Malabon City.

Sa ulat, binabagtas ni Cruz ang southbound lane ng Mac Arthur Highway sa may Brgy. Dalandanan dakong alas-10:45 ng umaga nang mabundol ang tumatawid na si Intia.

Tumilapon sa kalsada at nabagok ang ulo ng biktima na agad namang isinugod ng taumbayan sa naturang pagamutan. Nakaditine ngayon si Cruz sa Valenzuela Police detention cell at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments