Bebot na kawatan, timbog

MANILA, Philippines - Timbog sa mga awtoridad ang isang bebot makaraang hab­lutin nito ang bag ng isang babaeng pasahero ng jeep sa Marikina City, kahapon ng hapon.

Ang suspek ay kinilalang si Shine Ponteriada, 21, tubong Davao City at pansamantalang naninirahan sa Kalantiaw St., Brgy. Calumpang sa lungsod. Sa reklamo ng biktimang si Regine Brungas, 27, ng Antipolo City, sinabi  nito na sapilitang hinablot ng suspek ang kanyang  bag na naglalaman ng kanyang pitaka na mayroon P7000,00 cash, cellphone at iba pang gamit.

Aniya, habang siya ay sakay ng isang pampasaherong jeep dakong alas-3:00 ng hapon ay tinatahak ang kahabaan ng Sumulong Hi-way, Barangay Sto. Nino, Marikina City ng bigla na lamang hablutin ng suspek ang kanyang bag.

Agad na nagsisigaw ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga tauhan ng Office of Public Safety and Security na siyang humabol sa suspek kaya ito naaresto. Nakakulong ngayon sa Marikina City police detention cell ang suspek at nakatakdang sampahan ng robbery snatching.

Show comments