12-anyos ni-rape ng adik

MANILA, Philippines – Pinagdroga muna bago ginahasa ang 12-anyos na dalagita ng isang tricycle driver na sinasabing adik sa bawal na droga sa Makati City, ayon sa ulat kahapon.

Itinago sa pangalang Cindy ang biktimang nakatira sa Barangay 522, Sampaloc, Manila habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Edrian Mendoza ng #4040 Gen. Luna Street sa Barangay Cembo, Makati City.

Sa police report na nakarating kay P/ Senior Supt. Ernesto Barlam, naganap ang insidente noong Enero 15 sa Barangay Guadalupe Nuevo kung saan niyaya ng suspek ang biktima.

Dahil sa kakilala naman ng biktima ang suspek ay, nagtiwalang sumama kung saan pinagamit muna ng shabu ang dalagita bago isagawa ang panghahalay.

Kaagad naman dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang kanyang ina subalit nakatakas na ang suspek.

Show comments