Miyembro ng Panoy Group timbog

MANILA, Philippines – Nasakote ng pulisya ang isa na naman miyembro ng Panoy­ Group na umano’y sangkot sa ilang serye nang  pagpatay at pagtutulak ng droga  sa isinagawang follow-up  ope­rasyon sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police ang nadakip na si Willard Francisco, 34,  ng Phase 8-B, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa suspek sa Balwarte, Tala ng naturang lungsod.

Hindi na nakaporma ng suspek nang mapaligiran ng mga pulis at nakuhanan ng isang sachet ng shabu at kalibre .45.

Matatandaan,  na noong Enero 29, 2015 ay napatay ng mga pulis sa barilan ang kasama ni Francisco sa Panoy group na si Rolly Menor sa  nasabing lugar.

Ayon  kay Bustamante na ang Panoy Group ay sangkot sa mga patayan at pagtutulak ng droga sa nasabing lugar.

Show comments