Ama tinarakan ng anak
MANILA, Philippines - Isang ama ang sugatan nang saksakin ng kanyang bunsong anak na may sakit sa pag-iisip, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Rommel Villanuac, 47, isang mananahi, ng Brgy. 201, Merville ng naturang lungsod na nagtamo ng ilang saksak sa katawan.
Nakilala naman ang suspek na si Martin Villanuac, 23.
Sa report na natanggap ni Senior Supt. Sidney Hernia, Officer-In-Charge (OIC) ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa loob ng bahay ng pamilya Villanuac.
Nabatid na nagte-text ang suspek at nang makita ito ng ama, sinabihan ito na matulog. Sa halip na sumunod ay nagpunta ang suspek sa kusina at kumuha ng kutsilyo saka inundayan ng saksak ang kanyang ama.
Matapos ang pamamaril ay kaagad namang dinala ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital.
- Latest