P.3-M natangay ng budol-budol sa nurse

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P.3 milyon ang natangay sa 55-anyos na nurse matapos itong madale ng mga miyembro ng Budol-Budol Gang sa tapat ng refilling station sa isang mall sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, kahapon ng umaga.

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Norieta Tanagon ng Barangay Sto. Niño sa Marikina City.

Matapos ipakita ng pulisya ang mga larawan sa rogue gallery ay positibo namang kinilala ang mga suspek na sina Susie Hoe Castillo, 42, ng Filinvest East, Cainta, Rizal;  at isang  alyas Edward Sy.

Ayon sa biktima, nakasalubong niya ang suspek na si Edward Sy at nagtanong kung saan makabibili ng water ionizer para sa may sakit nitong ama na naka-confined sa St. Lukes Hospital.

Habang nag-uusap ang biktima at si Sy ay dumating naman ang dalawang lalaki at tatlong babae kung saan ang isa ay nagpakilalang Susi Hoe Castillo na sumali na rin sa usapan.

Animo’y na-hipnotize ang biktima at naging sunud-sunuran sa mga suspek kung saan ito nakapag-withdraw ng P.3 milyong cash sa banko at naibigay sa grupo.

Show comments