Barangay kagawad lasog sa tren
MANILA, Philippines – Isang barangay kagawad ang nasawi matapos na mahagip ng tren kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.
Ayon kay Chief Insp. Olivia Sagaysay, hepe ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-9:22 ng umaga nang mahagip ng tren ang biktimang si Alberto Cadalo, 77, ng Sta.Mesa, Maynila na napag-alaman na isang brgy. kagawad.
Nabatid na patungong Tutuban ang tren na nasa Altura-PNR Station nang biglang tumawid ang biktima.
Hindi umano narinig ng biktima ang busina ng tren na may body number na MSC-907 hanggang sa mahagip ito.
Madalas umanong nakikita ang biktima na patawid-tawid sa lugar tuwing umaga subalit hindi nito napansin at narinig ang pagdating ng tren sa riles kahapon.
- Latest