1 pang bumugbog kay Vhong Navarro, arestado

MANILA, Philippines – Nadakip ng operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga akusado sa pambubugbog sa actor at TV host na si Vhong Navarro, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Si Ferdinand Guerrero ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court dahil sa kasong grave coercion at serious illegal detention.

Ang pag-aresto ay kinumpirma ni NBI Regional Anti-Illegal Drugs Division chief, Atty. Eric Isidoro.

Natunton ito mismo sa tinirhan sa isang condominium sa Ayala Avenue, Makati City noong Linggo ng gabi.

Hinihintay pa ng NBI ang magiging desisyon ng korte kung mananatili ba sa kanilang kustodiya o ililipat ng ku­lungan si Guerrero.

Nabatid na kasama umano si Guerrero ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee at modelong Deniece Cornejo na nanggulpi kay Navarro noong Enero 22, 2014 sa isang condominium sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Kung saan nauna na nitong pinabulaanan na kasama siya sa nanggulpi kay Navarro.

Show comments