^

Metro

2 sugatan sa pamamaril ng tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng  riding-in tandem suspects kung saan tinamaan din ng ligaw na bala ang isang 16-anyos na binatilyo, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Sonny Ballan, 34,  na nagtamo  ng tatlong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan.

Samantala, nilalapatan din ng lunas  sa naturang ospital ang nadamay na si Roldan Joson, 16, na  nagtamo naman   ng tama ng bala sa kaliwang hita.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect na kapwa nakasuot ng helmet at lulan ng   isang kulay itim na Kawasaki.

Base sa report na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Sidney Hernia, Officer-In-Charge (OIC) ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-2:10 ng madaling-araw sa Orion St., Brgy. 67, Zone 8 ng naturang lungsod habang naglalaro ng pool ang mga biktima sa naturang lugar nang  biglang sumulpot ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Dito na pinagbabaril ng isa sa suspek ang naglalarong si Ballan, na minalas namang tinamaan ng ligaw na bala si Joson. Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaril habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

BLANGKO

ORION ST.

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

ROLDAN JOSON

SENIOR SUPT

SIDNEY HERNIA

SONNY BALLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with